Sunday, February 8, 2015

12 Tips sa Buhay at Negosyo

Hello everybody! Gusto ko lang sana i-share sa inyo ang mga natutunan ko sa aking mentor na si John Melton Fogg, author ng The Greatest Networker in the World. Ito yung mga 12 practical tips para maging successful, not just sa Network Marketing business, pati din sa iyong career o kung ano ba yung GOAL mo this year 2015.




SMILE - Ito yung napaka dali at napaka effective na paraan to attract people to you. Once na mag smile ka, nagbibigay ka na agad ng first impression sa mga tao na ikaw ay POSITIVE at ito ang klase na tao na kinakailangan nila sa buhay nila. Kahit sa simpleng ngiti mo lang, alam nila na you are an interesting person. For example, sa business ng Network Marketing, when you talk to people, ayaw mong ipakita sa kanila na desperate ka o nahihirapan ka, lalong lalo na ayaw nila na makita na fake yung smile mo.

WARNING: Kailangan naman dapat sincere yung smile mo. Hindi yung fake at hindi yung napilitan ka lang. If feel mo na ayaw mong mag smile, then don’t! Pero make sure it doesn’t make other person feel bad as well.





SPEAK THE TRUTH -  Ano ba talaga yung gusto mong ipakita or sa ibang salita pa, huwag mong itago ang iyong nararamdaman. Siguradohin mo rin na yung katotohanan ay hindi nakakapagpasira sa ibang tao. Ang ibig kong sabihin sa speaking the truth ay, if in business, tell them what are the advantages and what are the disadvantages. For example, in Network Marketing, kung tinatanong ng prospect mo kung kikita ba sila agad, tell them the truth that they have to Learn First Before They Earn and Don’t tell them na KIKITA AGAD. No!

Let’s say for example sa buhay naman, kung tinanong ka ng kaibigan mo kung maganda ba siya, sabihin mo yung totoo pero make sure you do it in a proper way. How? You Figure It Out.

3.      


UNLEARN – Ito siguro ang isa sa mga pinaka-importante na natutunan ko sa network marketing business. Sa oras na pagsali mo, akala mo alam mo na pero hindi pala. Hindi ibig sabihin na kalimutan mo na lahat ng alam mo, dapat mo lang magkaroon ng OPEN MIND sa mga bagong strategies or methods sa kung papaano gawin ang negosyo. In short, BE WILLING TO LEARN.


     KNOW YOUR LIFE’S PURPOSE – Lahat tayo may mga misyon sa buhay at may purpose at bakit tayo andito. Sa oras na tayo ay pinanganak, may purpose na tayo, subalit ito ay unknown o hindi pa natin alam kung ano yun. So, anong gagawin? Search it within you. How?



Ok, ito yung isa sa mga tinuro sa akin ng mentor ko, kung mag-isa ka lang sa kwarto mo, umupo ka at ipikit mo ang yung mga mata. Imagine mo na ikaw ay nanonood ng palabas kung saan ikaw yung bida, ipinakita doon yung buhay mo simula noong bata ka pa hanggang sa nakita mo na yung future mo. Kapag nakita mo na yung part na pinakita yung future mo, You will know your Life’s Purpose. There are other ways pero I think this is the most effective.




HAVE BIG GOALS – Kung malaki ang goal mo, lahat ng mga problema mo ngayon ay balewala nalang. Halimbawa nalang sa Network Marketing, kung ang goal mo ay maghabol ng prospects at magbenta sa kahit sino pagkatapos ngayon kung may magsasabi ng “NO” sayo, malulungkot ka diba? Pero kung yung goal mo ay para sa success ng buong industriya ng Network Marketing, ano yung maidudulot nito para sayo? Ano yung aksyon na gagawin mo? Right! YOU WILL START GIVING VALUE to people. How? By being Valuable Yourself. Kung ipapakita mo sa tao kung SINO ka at KUNG ANO ka, you will be attracted to the person YOU have become. YOU are UNIQUE in many ways. So, the result? You will have FUN and PEOPLE will be looking up to you because they NEED LEADERS not salespeople.




MAKE THE MOST OF WHAT YOU HAVE – Gamitin mo kung anong meron ka and give it to others at Gawin mo kung ano yung kaya mong gawin. Diba naririnig natin yung mga kasabihan nila na, “Kung kaya ko, Kaya mo Rin!” So, what does this mean? I don’t know what you mean by this but for me, it means YOU ARE LIMITLESS!




HAVE FUN – Ano ngayon kong matagal ang resulta? It’s not a problem. At least you have results and most important sa lahat, YOU HAD FUN. Masaya ka sa ginagawa mo. Kung nahihirapan ka sa Network Marketing, then you are doing it wrong. When you are giving value to others, YOU ARE HAVING FUN. That’s the sign of a Leader. What now kung matagal ang result? You don’t care anymore because number ONE, YOUR GOAL IS SO BIG na what you are focusing is LONG-TERM RESULT and TWO, You have fun doing it because it’s just natural.

   


THINK POSITIVE – I think ito dapat yung number one eh, Be Positive. I believe GOD favors those who think positive. Like my experience with my father, my father is a seafarer as well tapos there was a time na gustong gusto na niyang sumakay dahil nga kapos na sa pera and then he keeps giving me NEGATIVE thoughts like “Hindi na talaga ako makakasakay” and etc. Then I said, “Ano yung magandang naidudulot sa pagiging negative mo sa sitwasyon natin? May solution ba? Wala diba?” Then after a few POSITIVE words na binigay ko sa tatay ko. He said, “Tama ka, imbis na problema ang isiisipin, dapat pala talaga SOLUTION ang dapat isipin.” And you know what? After siguro mga 10 seconds, nag text yung opisina sa kanya, “Sir, sasampa ka na po ASAP. Report ka sa Office ngayon para ma-finalize na natin papers mo.” Then he was a CHANGED MAN.




BE OF SERVICE – May mga iba’t ibang gawain na makapag-bigay ng service sa ibang tao. Hindi lang sa pamimigay ng pera na pamimigay ng tulong. Ang pinaka the best para sa akin ay GIVING VALUE, again inulit ko na naman to dahil napaka importante nito. Alam ko na may alam ka na pwedeng makakatulong sa tao, so anong gagawin mo? YOU SHARE IT tapos nung shinare mo na, nakatulong ito sa tao. Now, that’s pure VALUE. That is pure SERVICE.




PLAN AND COMMIT TO YOUR GOAL – Sabi pa ni Mary Kay, if you Fail to Plan, you Plan to Fail. If may mga gusto kang ma-achieve, PLAN! At hindi lang plan ka lang sa isang buwan. COMMIT to it! And believe me, you will succeed.




IMAGINE YOURSELF ALREADY ON THAT GOAL – If you imagine yourself na nakuha mo na yung goal mo, lahat ng actions mo ngayon ay connected sa goal mo. Very important din.



NEVER GIVE UP
– Kahit ano man yang GOAL mo, whether to become a Doctor or to become the TOP Earner of your Company. Don’t give up. Keep persisting! LIFE IS LIKE A GAME, Only QUITTERS lose and only those who Persist, WIN!


BONUS: LEARN – You have to get better everyday in LIFE. If you wish to become a Professional Network Marketer, Learn. You wish to become a successful LEADER, Learn. If you wish to become HAPPY, study Happiness.

Thank you for reading my post today and I hope may value na na-ibigay ako sa inyo ngayon and I hope you will implement some of them into your life and may you have a GREAT AND ABUNDANT 2015!

Let's be friends! Click here! Send me a message and I’d be happy to talk with YOU.


“IF YOU WILL CHANGE, EVERYTHING WILL CHANGE FOR YOU.” –Jim Rohn

No comments:

Post a Comment