Wednesday, June 3, 2015

Pumasa na sa medical.

Hay salamat pumasa na rin sa medical. Nagtext po kasi yung nasa medical na pending po ako kaya kanina chineck ko dun sa Medical Center, tapos dun nalaman ko na may sinagotan pala ako na dalawang tanong na puro "yes" yung sagot ko.

Unang tanong ay yung, "Have you ever been hospitalized?" Nilagay ko yes kasi nahospital na ako dati dahil sa muscle pain. masyado palang mababa yung reason kaya ginawa nlang "no".

Pangalawang tanong ay, "Have you ever been declared unfit for duty?" Nilagay ko naman yes kasi na-pending ako sa medical dati dahil sa dental, may kailangang pastahin. yun pala iba pala yung unfit at tsaka pending. hehe, tanga ko noh? "no" na rin.

Kaya ayun, pumasa ako. At tsaka gusto ko ring i-share sa inyo na sobrang init talaga ngayon, hindi ko na alam kung anong nangyari sa mundo. anyway, God bless guys.

No comments:

Post a Comment