Tuesday, February 10, 2015

Leader Ang Sinusunod Ng Tao.

BE A LEADER!

Kailangan mong malaman na “People follow Leaders”! In network marketing, it’s what this is about, TO BECOME A LEADER. The main role ng isang leader is TO GIVE VALUE. We are the SOLUTION-PROVIDER. What do I mean by this? Give Value, meaning, you provide something that will help people solve their problems. You have something and alam mo na meron kang alam na pwedeng makatulong sa mga tao, mapaliit man o malaki. You also need to remember na dito sa business ng network marketing, hindi ito GET RICH QUICK! Hindi ka yayaman agad at mahihirapan ka pa sa simula dahil sa transition. BUT You will have FUN! The secret? The secret here is you have to BRAND YOURSELF.  Pero paano? Here are 5 steps that I’ve learned from my mentor, Monty from New Jersey:

1.       Invest in Yourself – List down the things on what makes you unique. Ano ang meron sayo na pwede mong ma-share sa iba na pwedeng makakatulong sa kanila? Bakit ka ba unique? Kung nahihirapan ka kung anong meron ka, talent, or potential, subukan mong mag basa ng libro tungkol sa personal development or the best way, ASK YOUR FRIENDS.

2.       Invest in Knowledge -  Paano mo ma-ipapakita sa iba na Leader ka if WALA KANG ALAM?! So what will you do? Read books, watch videos, search the internet or attend seminars. In the business of Network Marketing, you have to Learn before you Earn.

3.       Invest in Products – Bumili ka ng mga libro o di kaya mga videos related sa mga bagay na gusto mong matutunan. For example, kung gusto mong maging successful sa network marketing, Read books about network marketing. If you want to know how to become good at talking to people, Read books about it. If you want to know how to build a website, read books about it. Go to National Bookstore, look for the right book or download Ebooks, BUY IT! READ IT! And most importantly, Learn from it! And wag kang magbasa ng kasunod na libro kung hindi mo pa naintindihan ang UNA.

4.       Invest in Honesty – Very simple. Paano ka mapagkatiwalaan ng tao kung hindi ka honest? Well, self-explanatory na to. In network marketing, it’s the same.

5.       Invest in Authenticity – Be yourself. Huwag kang magpanggap na iba. If may Leader ka or may mentor ka na sinusunod. Kunin mo lang yung Learning pero don’t follow what he does. You are unique and you have your own ways and all you can do is all you can do. May sarili kang diskarte sa buhay, they are there to Guide you only. You still have the final choice. So, BE YOURSELF! Act naturally. If may negative side ka, work on it and improve yourself. Get better everyday. May sinabi yung mentor ko na si Jim Rohn tungkol dito eh, “Don’t be a follower, Be a STUDENT.”

So, Gusto kong i-Congratulate ka sa ginawa mo ngayon sa buhay mo ngayon kasi ito bale yung first step mo kasi, you are reading this because you are looking for something new, naghahanap ka ng bago sa buhay mo. Siguro nagtatanong ka o minsan naging curious ka kung pwede ka bang mag bago. Well, let me personally tell you the good news, YOU CAN! Me, as your mentor and sponsor dito sa business ng network marketing, I will do whatever I can para maging successful ka PERO I can’t do it if you won’t help yourself. I need your COMITTMENT. Gusto kong malaman kung willing ka ba talagang maging successful. I also need  your PERSISTENCE. I need you to NEVER GIVE UP. There will be challenges in life as a network marketer pero just HOLD ON, You have a reason bakit hindi mo kailangan mag give-up.

And most importantly sa lahat, You need to be Coachable and Teachable. Para ma-emphasize ko ang statement na ito, may nabasa ako na story which is from the book, “The Greatest Networker in the World by John Milton Fogg”, ang storya na ito ay tungkol sa isang monk na napaka talino at napaka wise at napaka knowledgable. Naging tradition ng mga young monks na mag aral sa lahat ng mga masters sa kanilang lugar. Tpos may nag-iisang monk na magaling talaga. Ang ginagawa niya, dahil nga sa sobrang knowledgable at wise niya, siya na mismo ang nagco-correct sa mga master monks, sinasabi niya na mali yan at mas tama ako. Alam ko na yan! So, ano ginawa ng mga master monks? Pinabayaan nalang siya. Then one time, he decided na puntahan ang pinaka matanda, pinaka wise, pinaka experienced at pinaka knowledgable na master monk sa buong lugar. Yung master monk, pinadalhan niya ng letter na invitation yung young monk para pumunta sa temple niya para turuan siya kung ano ang pwede niyang maturo. Tuwang-tuwa yung young monk at pumunta siya.

Sa pag punta niya, tradition din sa lugar nila na pag meron kang bisita, you are obliged to serve your visitor something that you have to offer. Yung master monk ang nag serve at siya ang nag lalagay ng chaa duon sa baso ng yung young monk.Habang nag seserve yung master monk, panay dal-dal yung young monk sa lahat ng natutunan niya sa mga other masters at kung paano niya kinorekan ang mga other master monk. Napansin ng young monk na mainit yung damit niya, Napaso na pala siya! Sabi niya sa master monk, “Ano ba! Napapaso ako! Tama na yan! PUNO NA YUNG BASO KO!”. Pero alam mo ba kung ano ang sabi ng master monk? “Umalis ka young monk! Wala akong maituturo sa yo! NAPAKA PUNO NG BASO MO, balikan mo nalang ako pag wala ng laman ang baso mo!”.

So, lesson ng story? Be Coachable and be Teachable. If you think you knew something na hindi ko naman alam, Of course share it! This is a relationship business. The main point here is giving value to the people. When you are learning, Be a sponge na kayang i-absorb lahat ng information from your sponsors. Finally, you still have the Final Choice. So, ano ang desisyon mo? ;)
The first step you could do is Join the Team by clicking here and you can also add or follow me on Facebook by clicking here. Have a wonderful and successful days ahead!

No comments:

Post a Comment